Kaya ka nahihirapan kasi kahit alam mong wala nang pag-asa, patuloy ka pa rin sa pagasa. Kahit alam mong wala nang magbabago, patuloy ka pa rin sa pagkumbinsi sa sarili mo. May mga bagay lang talaga na kailangan nang matapos at kailangan mo ring tanggapin. Kahit gaano pa kahirap, dapat kayanin mo. Kasi sa totoo lang, ikaw lang din naman talaga yung makakatulong sa sarili mo. Tingnan mo, hihingi-hingi ka ng advice sa mga kaibigan mo pero ano? Hindi ba’t ikaw pa rin naman ang nagdedesisyon sa huli?
Kaya ka rin patuloy na nasasaktan kasi patuloy ka pa rin kumakapit kahit wala nang dapat kapitan pa. Yung feeling na kahit masakit, sige ka pa rin kasi wala ka nang iba pang pinanghahawakan. May mga oras na gustong-gusto mo siyang kausapin pero nag-aalangan ka kasi baka mairita lang siya sayo and to think na alam mong kahit makausap mo pa sya, hindi na yun magiging katulad ng dati. Na para bang ibang tao yung kausap mo. Pero babalewalain mo yun kasi yun yung makakapagpasaya sayo. Yan rin ang rason kung bakit hindi mawala-wala yang sakit na nararamdaman mo. Wala ka nang pakialam sa sarili mo.
At alam mo yung feeling na nakikita mong masaya na siya sa iba at unti-unti ka nang nabubura sa buhay niya. Ang sakit-sakit dba? Pero patuloy ka pa rin sa pagpapanggap na parang wala lang sayo ang mga nangyayari kahit ang totoo eh parang dinudurog na yung puso mo.


44 notes | Reblog | 3 months ago
Posted on February 18th at 7:19 PM
Tagged as: queue. gusto ko lang magblog. wala ito. blah.
  1. cadyhtc reblogged this from fuckyeahjp
  2. behindthosememories reblogged this from fuckyeahjp
  3. hellorhen reblogged this from fuckyeahjp
  4. keithhhy reblogged this from fuckyeahjp
  5. fuckyeahjp posted this
Tweaked By: Fuckyeahjp