NAKAKAIRITA.

Naiirita ako. Di ko talaga alam kung ano dapat yung mararamdaman ko. Yung tropa kasi naming babae na buntis ng 5 months na ngayon, medyo matagal na kaming walang balita sa kanya. Last namin sya nakausap eh nung sinabi nya saming buntis sya. Mga more than 1 month ago na. Napagusapan namin yung mga plano kapag lumabas na yung baby. Nagkakatuwaan pa kami na ninong at ninang kaming lahat ng tropa nya at kung ano dapat papangalan sa baby. Yung walang hiyang boyfriend niya, ayon pagkatapos malaman na buntis sya wala na. Nagtago kung saan mang gubat ngayon yun.
Tapos nito lang. Nitong oras lang talaga tumawag sakin yung isang tropa namin na nagtext daw sya tungkol sa ginagawa ng parents nya sa kanya. Alam niyo yung kumulo talaga yung dugo ko sa inis. Sila mismong magulang yung gustong ipalaglag yung bata. Tapos fino-force pa nilang painumin ng something na nabili daw nila sa Ita dyan sa tabi-tabi. Tas sinsaktan pa siya physically para daw malaglag yung baby. Putangina sino bang hindi maiinis dyan?!
Ang tatanda na hindi pa nagpaparespeto. Bwisit talaga. Mga demonyo.
I’m really against abortion. Kasi, my future duty is to prolong life. Not to end it. And, may takot ako sa Diyos. Nung nag assist nga ako dati sa panganganak ng isang Nanay na may premature baby na namatay, sobrang naapektuhan nako tas ito pa. Goodluck na lang sa parents nya soon.


35 notes | Reblog | 3 months ago
Posted on February 18th at 7:53 PM
  1. walangepal said: Awww. :(
  2. missstephi said: My prayers for your friend..
  3. ayeewazzup said: sama naman.
  4. kayeshutup said: Shit. Unbelievable
  5. crossroadssss said: :(
  6. hellodayang said: Shet grabe ‘yon :|
  7. janabeb said: Grabe naman yun.. anung klaseng parents sila? tsk tsk
  8. fuckyeahjp posted this
Tweaked By: Fuckyeahjp