JP |21| PH
Okay lang tumambay dito basta ba, magbasa ka para may kwenta naman. :)

ME: *napasulyap sa phone niya kasi bigla umilaw*
SIS: Wag ka ngang manilip ng text!
ME: Sino yung wallpaper mo? Boyfriend mo? *di ko kasi nakita masyado*
SIS: Si Zayn Malik. Hahaha!
ME: Yuck, One Direction?! *kumanta* Beybeh you layrap mah world like nobody else..
SIS: I don’t like 1D but Zayn is so handsome! And some of their songs are undeniably good, too.
ME: I know, right?! Like this oh. *pinatugtog ang Little Things sa iPod ko.*
SIS: Hahaha! Yuck! One Direction?! *kumanta sabay talon-talon sa kama* So get out get out get out of my heaaaaad!

image

Last month, I was ranting about how my sister was bugging me to attend her debut which will be held in New York. Ako daw kasi yung 18th rose niya at ako ang kakanta ng sasayawin nila ni dad. Yung Dance With My Father. Di ko talaga gets kung ba’t yan lagi sinasayaw ng mga nagde-debut eh buhay pa naman mga tatay nila. Haha. Anyway, ayun na nga. Nung una, I was in doubt kasi magastos pag pumunta ako and di naman nagsabi si dad na siya ang gagastos ng pagpunta ko. Medyo ini-expect ko kasi na bibilhan ako ni dad ng ticket, pero hindi. Hehe. Kaya I told my sister na hindi siguro ako makakarating pero ipapadala ko na lang yung gifts ko sa kanya. Kaya nung time na rin yun, nagtanong-tanong na ako sa mga friends ko kung ano ba yung pwede kong ibigay sa kanya na magugustuhan niya at hindi e-exceed sa 15k-20k budget. Most of them said na kahit ano naman daw ibigay ko basta galing sakin, matutuwa na daw yun. Pero nagtanong pa din ako sa mga friends ko sa FB at sa Twitter followers ko. Sinabi ko dun kung ano yung mga hilig niya. At kung ano madalas niya isuot. Mahilig kasi siya magsuot ng mga pang-Gossip Girl at Pretty Little Liars na mga damit. Hahaha. Arte noh. Tas yun na nga everyone was suggesting clothes, bags, shoes. So I decided to buy her a pair of boots from Dr. Martens and I added a white trench coat na rin and a classy bag which I think, magugustuhan niya talaga.

So yun, eh dba nga sinabi ko sa kanya na hindi ako makakarating? Kasi nga before, nag-aalangan ako kasi ako talaga yung gagastos ng pag-alis ko. Pero araw-araw nagha-hang yung phone ko dahil sa kaka-flood ng kapatid ko sa Viber na kelangan ko daw talaga um-attend. Sabi pa niya, kung gusto ko daw, dadagdagan niya yung pera ko pambili ng ticket. Pero di niya alam nung time na yun eh bibili na talaga ako ng ticket. Tas one time, tumawag si dad. Nangamusta tungkol sa raket ko dun sa Bora. Hanggang sa medyo inuto-uto ko na yung tatay ko tungkol sa ticket. Hahaha. Para-paraan. Ayun na nga, inasar pa ako nung una na wala daw siyang pera. Huhu. Pero binawi din naman niya. He told me that he’s going to help me buy my ticket. Yung papunta daw hati kami pero siya na bahala sa pag-uwi ko. SO yun, fixed na. Tas sabi ko kay dad na wag niya muna ipaalam sa kapatid ko na pupunta ako. Ayun, nagplan na kami ng surprise ko for my sister. Ang arte namin ng tatay ko noh.

Nung mga sumunod na araw, syempre ayaw ng lolo niyo mapahiya, kaya sinimulan ko i-practice yung Dance With My Father. I downloaded the song, made a playlist for it and played it on repeat for hours everyday. One of those days, I started singing it using a microphone kasi gusto ko marinig yung timbre ng boses ko pag nagmi-mic at para ma-control ko din. Pero I always end up crying and I don’t even know why. Maybe because the of the lyrics of the song which is obviously sad and I also remembered my mom dun sa last part. Dagdag mo pa yung boses ni Jessica Sanchez. Huhuhu. Ang ginawa ko, ni-download ko yung kay Luther Vandross, na nakakaiyak pa din. Kainis. Pero habang tumatagal na prina-practice ko yun, nakanta ko na siya ng maayos pero syempre medyo di na ako umiyak. Medyo na lang. Hahaha.

Yung mga sumunod pang mga araw, yung kapatid ko ang kulit-kulit pa din. Tapos sabi pa niya, kung di daw talaga ako makakapunta, ako pa din daw yung 18th rose niya and no one could ever replace me. Ayun, medyo na-touch ako. Bakit kasi ang sweet-sweet nitong kapatid ko eh. Sarap sampalin. HAHAHA. Tapos ayun nga syempre sabi ko pa din na di ako makakapunta talaga. At tsaka sorry ako ng sorry sa kanya nung nagusap kami tas iyak siya ng iyak na parang bata. After naming mag-usap, nagtext si dad, “Hahaha! Anong sinabi mo sa kapatid mo bakit siya umiiyak? Hahaha!”. Tuwang-tuwa pa siya oh umiiyak yung anak niyang babae. Ungas lang. HAHAHA!

1st week of May, lumipad na ako papunta dun. #MedyoManananggal. I was a week early for her birthday and may time pa ako para bumili ng regalo sa kanya, ng susuotin ko at syempre dun muna ako nagstay sa apartment ng Tita ko. Bale yung nakakaalam lang talaga na dadating ako eh yung dad ko, yung emcee ng party, yung dalawa kong pinsan and of course yung tita ko. Other than them, wala na talaga.

Then nung araw na ng birthday niya, maaga akong nagising. Tumawag si dad at tinanong kung anong oras ako dadating sa hotel at sasabay na daw kaming dalawa. All those days, wala pa rin talagang idea yung kapatid ko na andito na nga ako. I stayed sa hotel from 10am yata hanggang sa nagstart na yung party. I was hiding in my hotel room and preparing for my surprise for her. Kinanta-kanta ko pa ulit yung kakantahin ko para sa party. I texted her via Viber at ginreet siya. Todo sorry ako dun sa message ko that I can’t come. Tas di siya nagreply, kaya tinawagan ko. Mga ilang calls pa bago niya nasagot. She was practicing pala with the cotillion dun sa baba. Parang last practice na ganun. Ayun, medyo sad na naman yung boses niya kasi nga hindi ako makakapunta. Hanggang sa dumating na yung hapon. Everyone was busy preparing, syempre ako din. Then the party started, I was hearing murmurs and of course voices from the emcee and from her friends giving their sweet messsages for my sister. Tas yun na yung 18 candles, roses, treasures, etc. Then I heard the emcee said that the 18th rose can’t make it to the party and the debutant didn’t replace him. Yung emcee, konchaba din nung araw na yun. That day lang din siya sinabihan ni dad about me.

Tapos ayun na, dumating na yung time na sasayaw na sila ni dad, dun ako sa may gilid ng DJ, sa ibabang part. Syempre di ako masyadong makita ng mga tao kasi medyo madilim dun sa part na yun. I was nervous while holding the mic. Hindi ko alam kung bakit pero binalot ako ng kaba and excitement at the same time. So pinatugtog na yung music. Kasabay nun yung paglabas din ng slideshow ng pictures niya mula baby siya hanggang ngayong dalaga na siya na ginawa ng mga friends niya. Syempre ini-expect ng kapatid ko na Luther Vandross, or Jessica Sanchez o Celine Dion yung maririnig niya. The moment I started singing, umiyak na yung kapatid ko tas hinahanap kung saan galing yung boses. Kasi obvious naman na live yung pagkanta ko dun at hindi recorded. At kilalang-kilala niya yung boses ko. Kaya yung mga mata niya di mapakali kakahanap sakin hanggang sa lumabas ako dun sa part na yun. Yung mga bisita niya nagbubulungan, di ko alam kung bakit. Siguro dahil hindi ako kilala ng iba niyang friends kaya siguro nagtatanungan sila. I saw her smiling at me and she was bursting in tears. Inalis ko yung tingin ko sa  kanya kasi baka maiyak lang din ako. Simula ng prinactice ko yung kantang yun, ni isang beses hindi ko natapos kantahin dahil  naiiyak ako sa part na, “I know I pray for much to much, but could you send back the only man she loved.” Naimagine ko dun si  mommy. Before nung part na yun, dba instrumental yun kaya pinanuod ko yung slideshow. Lumabas dun yung picture ni mommy kasama yung kapatid ko. Ang ganda ng smile ng nanay ko dun. Halatang masaya siya nung time na yun. Naiiyak na ako nun kaya binaling ko yung tingin ko sa mga tao. Nagulat ako kasi people were crying. Sabi ko sa sarili ko, “Putangina, ayokong umiyak.” Then I saw my grandmum crying in the corner kaya sobrang di ko na napigilan yung mga luha ko, hindi ko na rin naipatuloy yung pagkanta. Tumalikod ako tas ibinaon ko yung mukha ko sa panyong hinugot ko mula sa bulsa ko. Medyo tumahan na ako nun pero mas lalo lang ako naiyak nung naramdaman ko yung yakap ng lola ko sa likod ko. I hugged her tight and started crying again. I told her how I miss my mom so much. Tas nakita ko yung kapatid ko na dali-daling naglalakad papunta sa akin. She was smiling at me pero lumuluha. Tapos sabi ko sa kanya, “Happy birthday!”, tapos inabot ko sa kanya yung 18th rose niya and we started dancing sa gitna. Niyakap lang niya ako tas sinabi niya, “I hate you!” sabay hampas-hampas sakin. Everyone was like, “Aaawwwww”.

Nung kainan na, pinakilala ako ng kapatid ko sa mga bisita niya tas dinala ko siya ko sa taas. Pero nagbihis muna siya ng gown kasama yung friends niya. Tapos dinala ko sila dun sa room na pinag-check-inan ko. Pagbukas ng pinto, nakahitala dun sa kama yung mga regalo ko sa kanya. Hindi pa niya nabubuksan yung box, niyakap na niya ako at nagpasalamat sa akin. Sabi niya, “Yung pagpunta mo lang dito, sobrang pinasaya mo na ako eh.” Tas yun pagbukas niya nung box, pinagkaguluhan na ng friends niya. Hahaha.

Sabi ko nun sa sarili ko, okay na ako kahit wala akong natanggap na mamahaling regalo nung birthday ko kasi sa pamilya ko pa lang, sobrang laki na ng pasasalamat ko. Kahit na medyo ako lang naman talaga ang nagtutulak sa sarili ko papalayo sa kanila mula nung nawala si mommy. Kapag nga nag-iinuman kami ng tropa ko lagi ko sinasabi sa kanila na kasabay nung pagkamatay ng nanay ko yung pagkasira ng buhay kong pilit kong inaayos pero hindi ko talaga maayos-ayos. Pero makita at marinig ko lang yung boses ng kapatid ko, sobrang saya ko na talaga. Kahit na minsan eh nilalamon na ako ng kalungkutan.

Hanggang ngayon wala pa din siyang idea na andito ako. Kasi dito ako nagstay sa apartment ng Tita ko. Kaya kagabi lang din kami nagkita ni dad. Syempre kung hindi pa ako nagdrama sa kanya na wala na akong pera eh di niya ako pupuntahan para bigyan. Haha. Tas syempre ngayon gising na ako. Malamang. Kasi madami akong surprise sa kapatid ko mamaya sa party niya. Tas kanina exactly 12mn, nag text ako sa kanya sa Viber. Ginreet ko siya ng Happy Birthday. Tas sorry-sorry pa ako dun sa msg ko sa kanya na di nga kasi makakarating. HAHAHA.

Mga 3am na ako nakatulog kanina. Tas ngayon gising na ako. 2 hours lang tulog ko. Bwiset. Tas tumawag yung ulirang ama ko.

AKO: Dad.

DAD: Ba’t gising ka na?

AKO: Baka nagising ako sa tawag mo?

DAD: Ungas. Anong oras ka magche-check in sa hotel?

AKO: 6 am. Di na ako maliligo. Dun na lang. Pati breakfast.

DAD: Mauuna ka pa sakin?

AKO: Ay bakit? Di ka mago-open ng store? Malamang mauuna ako sa’yo. Wala naman na akong gagawin eh.

DAD: Ba’t ka mauuna? Bahala ka dyan. Wala ka namang pang check in. May pera ka ba?

AKO: Duh? Tinatanong pa ba yan? Syempre wala. Osige na nga. Aantayin na lang kita. Hahaha.

DAD: Hahaha. Nagmamarunong ka na naman kasi. Mahirap ka naman

AKO: Wow, bakit? Mayaman ka ba? Geh na tawag ka na lang pag paalis ka na.

Buti at good mood ang ama ko at ang dali niyang kausap. Akala ko di na naman niya ako ililibre eh. Hahaha! Kahapon kasi nalibre na ako nun ng lunch hanggang dinner pati ticket sa tren. =))

COUSIN: Grabe ang OA ng init! Parang mangangain ng tanga!

AKO: Wag kang lalabas!

AKO: I miss you like crazy!
SIS: I miss you like a love song baby!
AKO: I miss you like baby, baby, baby ohhhh!
SIS: I miss you like a skyscraper.
AKO: I miss you like...
SIS: Haha! Loser!
AKO: Bitch!
SIS: Douche bag!

Mga 5 days na yata siya wala dito. Nakakamiss lang yung kupalan namin. Di man lang siya nagpaalam sakin na aalis siya. Nanay ko ba talaga yun?! :))

Wala lang.

Lord, sana po gumaling na po si Mommy. Hehe. Tas sana bumalik na rin yung dating siya na palatawa at palangiti.

P.S. Nakakamiss pala magblog ulit ng ganito.

AKO: Mommy, anong wish mo para bukas? Or gift?
MOM: Surprise me!
AKO: Gusto mo gumanda?
MOM: *flips hair* Hindi pa ba ako maganda?
AKO: Haha! Hindi eh.
MOM: Oh sige, gusto ko gumanda.
AKO: Kaso.. WALANG HIMALA!
MOM: *batok* Bastos ka! Hahaha!
Themed by: Coryjohnny|Tweaked by: fuckyeahjp