10 months with no regrets.
Today`s 25 at 10th monthsary na namin ni Patrice. Ayoko gumawa ng mahabang post. Kasi hindi na kayang ipaliwanag ng mga letra at salita ang pagmamahal ko sa kanya. Basta, ang alam ko lang. Sa loob ng 10 months na yun, sapat na siguro yung mga away at di pagkakaintindihan namin para maprove sa sarili namin na nananatili pa rin kaming matatag para sa relasyon namin. At yung kilig na naramdaman ko mula nung unang “I love you” niya sakin eh andyan pa rin hanggang ngayon.
Alam niya na kung gaano ko siya kamahal. Hindi ko na kailangan pang ipaglandakan sa publiko yun kasi hindi ko rin naman kayang ipaliwanag at kahit sino naman siguro mahihirapan ipaliwanag kung gaano nila kamahal ang isang tao. Kaya ayun lang. Sana nga eh siya na talaga.
Yung feeling na ako naman ang kinukupal ng girlfriend ko.
Gumaganti eh. HAHAHA! Sarap yakapin at tadtarin ng kiss eh.

EH KINIKILIG PA DIN AKO EH. :”>
Paulit-ulit ko pa rin binabasa yung text ng baby ko.
“Ikaw na nga yata yung para sakin talaga. Kasi kung hindi, di ako magmamahal ng ganito.”


